Maligayang Araw ng Kalayaan!
Nakasulat sa aking damit: Truly Pinay
Tumutugtog sa aking iPod: Rivermaya
Maligayang Araw ng Kalayaan!
Kung kilala niyo ako, alam niyo na talagang mahina ako sa pagsalita (at pagsulat) ng Pilipino pero bilang parangal sa araw na ito, susubukan kong isulat itong blog sa Pilipino Hindi Taglish, ha, Pilipino. Kaya pansensya na kung balu-baluktot ang balarila ko. Umiisip ako sa Ingles tapos sinasalang ko lamang ito sa Pilipino sa tulong ng Pilipino-English Online Dictionary.
Tingnan niyo, ilang talata panglang ang naisulat ko, pinapawisan na ako! Mukhang magiging maiksi ang blog na ‘to. Nararamdaman ko na na marami ang magiiwan ng komento tungkol dito.
Bagama’t akoy nakatira sa Amerika at Ingles ang wika kung saan ako’y pinakakomportable, mahal na mahal ko ang Pilipinas. Nakita ko na ang Eiffle Tower sa
Paris at ang Coliseum sa Roma at totoo naman na maraming bansa ay mas maganda at mas mayaman kaysa sa Pilipinas pero para sa akin, walang tatalo sa bansa ko. Oo, maalinsangan ang klima at higit pa sa magulo ang gobiyerno pero hindi iyan ang naiisip ko pag naaalala ko ang Pilipinas. Pag iniisip ko ang aking bansa puro magagandang bagay ang pumapasok sa utak ko. Pag may nagtanong tungkol sa panahon ng tag-araw sa ‘Pinas, ang pumapasok sa utak ko ay hindi ang matinding init na nakakahimatay o ang lagkit ng hangin kundi ang matamis na amoy ng bulaklak ng Mahogany na lumalabas lang pag mainit at ang lasa ng paborito kong Siniguelas na may walang katumbas. Wala nga tayong snow, pero walang tatalo sa Pasko sa atin. Nakakapagtaka na maski parehong-pareho ang mga ilaw (Christmas lights) ditto sa Amerika, sa
China , sa Europa, at sa atin, iba ang itsura nya sa Pilipinas. Mahirap ipaliwanag pero para sa akin, may ibang klaseng ganda ang mga ilaw sa atin. Totoo ang kasabihan na pag mahal mo ang isang bagay (o sa lagay na ito, isang bansa) ito ay ang pinaka maganda sa iyong mata.
Hihinto na ako dito kasi sumasakit na ang ulo ko sa pag sasalang ng mga iniisip ko sa Pilipino. Siguradong sigurado ako na maski maiksi ang naisulat ko, ‘sangkatutak ang kamalian sa baybay, sa balarila at sa mga salitang ginamit ko. Patawad nalang at sisihin nyo ang Pilipino-English Dictionary!
Inaabangan ko ang inyong mga puna/kommento. Huwag kayong mahiya! Gayahin nyo ako: walang hiya! Ha ha ha! J
June 14th, 2006 at 6:02 am
ha ha ha…bravo bear bear, ay teka, dapat parangalan ko din ang iyong blog sa paggamit ng wikang Pilipino, kaya mabuhay ka sa iyong ginawa. Nakatutuwang tignan na nagtagumpay ka sa iyong paglalakbay sa wikang tinubuan hehe. Hanggang sa muli, kaibigan! wahahahaha
June 14th, 2006 at 8:40 am
OMFG… I had a migraine just reading that. But seriously, THAT WAS EXCELLENT! I wouldn’t have been able to do that. Lemme try the rest of this in Tagalog. Tunay na nakakabighani ang iyong kahusayan at mahabang pasensya upang lamang mabuo ang iyong talata. Naiinis ako sa aking sarili sapagkat napapaisip ako kung bakit hindi rin ako magaling sa wikang Tagalog. Sa Pilipinas naman ako binigyang buhay ng aking mararangal na mga magulang at doon din ako pinalaki. Ngunit bakit kahiya-hiya pa rin ang aking Tagalog? Bakit kay raming oras muna ang dapat lumipas para lamang makabuo ako ng isang pangungusap? Tama si Tatin. Mabuhay ka, matalik kong kaibigan! Gaah, f*ck it… whatever! Man, I really suck. I blame all those colonizers man… ya’ll suck! Heehee…